Nawawala ang bola ni Joma
Dahil dito,
Kung saan-saan siya napunta:
sa ilalim ng kumot ni Ate,
sa loob ng kabinet ni Kuya,
sa kubetang gamit pala ni Lola; pinasok
niya maging ang mabahong bahay
ng mga batik-batik nilang tuta.
At nang ang bawat sulok
ng munti niyang mundo ay kanyang narrating,
maging ang tiyan ni Inay ay
di nakaligtas sa kanyang pagpansin.
“Nalunok ata ni ‘Nay ko an
bolang laruan ko!”
kanyang pag-aalala.
Kaya’t isiniksik nito ang sarili
sa tabi ng Inay sa kama
at saka nagtanong,
“Nay ba’t an laki ng tiyan mo?”
Ngumiti lamang si Inay sabay tugon,
“Anak, ito ang bagong kapatid
mo, susunod sa iyo
pagdating ng panahon.”
Hinimas ni Joma ang bilugang tiyan
ni Inay at siya’y biglang nalito.
Nagkamot siya ng ulo
at tumulis ang nguso.
Iniisip nito:
“Bola an kapatid ko?”
nakita ng kanyang ina ang
salubong na kilay ng batang
inakalang bunso,
“Hamo, anak makikita mo,
paglabas nito’y may bago
kang malalaro.”
Tuwang-tuwa si Joma,
may malalaro na siyang bola.
At nangakong babantayan niya ito;
di na iwawala pa at
aalagaan nang husto.
Mula noon,
walang sawa ito sa paghintay.
Hinihintay ang araw
na maaari na niyang idibrol
ang bagong kapatid na basketbol!
aalagaan nang husto.
Mula noon,
walang sawa ito sa paghintay.
Hinihintay ang araw
na maaari na niyang idibrol
ang bagong kapatid na basketbol!
No comments:
Post a Comment