Thursday, February 12, 2009

May Arte rin ang Pagtanggap ng Di Sapat na Sahod

Hubad ang kanang kamay
hintaying lumapag ang malamig na pera.
Huwag nang mag-abala pang ungutin ang katambal
na peyslip dahil tiyak namang wala,
ito’y batay na rin sa karanasan.
At dahil ganito muli ang nangyari,
ipasok dahan-dahan, ng di napapansin ng nas-aabot,
ang kaliwang kamay s aiyong kaliwang bulsa.
Unti-unting lamukusin sa loob nito
Ang nauna ng ginawang listahan ng mga bibilhin
(dahil patuloy ka pa ring umaasang magbabago
ang ihip ng hangin)
na alam mong di na magagamit.
Bona magiging am.
Pampers magiging lampin.
Wafers magiging tig-pipisong otap.
Repolyo, patatas, magiging repak pampinakbet.
Isang kilong baboy magiging kalahati.
Tender Juicy mawawala.
At dagdagan ng dalawang supot ng toge at

isang kilong talong pamparami ng dating.
Siguradong matatapos ang pamimili’y

bitbit mo na ang supot ng alternatibs.
Hinding-hindi dapat kalimutan na

itira ang pambili ng hinyebra,
ang inuming magdadala sa’yo
ng alala ng katatapos na pagturo,
siksik, liglig at umaapaw na trabaho.
Inuming magpapabago ng lasa ng pinakbet na
sinasawaan mo na.
At higit sa lahat, inuming may matigas na boteng
gustong-gusto mong ipukpok
sa nagpapasahod sa’yo…
December Nineteenth

Cold December
sunset standing before an old friend waiting…
Wondering what distant past gave me-
A speck of memory
a spark of hope,
strings in vein-
all ended in the wasteland of cadavers.
And so, I played.
His pale soul cried.
Numberless sorrow spoke his voice.
Those whisper meant something,
Yes, it does mean something.
All he left was a guitar with a dark post, untamed, mysterious.
The night he left,
Icast everything
With tears of notes,
every December nineteenth.
Mga Batang Kalye

Mga tupaang lagalag
Sa pasilyo ng daigdig:
Maghahabulan,
Magtatawanan, pagkatapos…
Mag-iiyakan.
Flagless Ceremony

Primitive daylight
standing straight against
our motherland’s pole…
pole alone.
Chanting our national anthem
with the voices of fury
in the tune of insurrection.
With our left hands
having contingence with our hearts, clenched fist!
Every individual acknowledge its strains the liturgy was over.
Yet, no sign of our flag.

The red flag must be raised.
Or else, our pole will be bearing someone else’s.
Ang Bagong Bola ni Joma

Nawawala ang bola ni Joma
Dahil dito,
Kung saan-saan siya napunta:

sa ilalim ng kumot ni Ate,
sa loob ng kabinet ni Kuya,

sa kubetang gamit pala ni Lola; pinasok
niya maging ang mabahong bahay
ng mga batik-batik nilang tuta.

At nang ang bawat sulok

ng munti niyang mundo ay kanyang narrating,
maging ang tiyan ni Inay ay
di nakaligtas sa kanyang pagpansin.

“Nalunok ata ni ‘Nay ko an
bolang laruan ko!”
kanyang pag-aalala.

Kaya’t isiniksik nito ang sarili

sa tabi ng Inay sa kama
at saka nagtanong,
“Nay ba’t an laki ng tiyan mo?”
Ngumiti lamang si Inay sabay tugon,
“Anak, ito ang bagong kapatid
mo, susunod sa iyo
pagdating ng panahon.”

Hinimas ni Joma ang bilugang tiyan

ni Inay at siya’y biglang nalito.
Nagkamot siya ng ulo
at tumulis ang nguso.
Iniisip nito:
“Bola an kapatid ko?”

nakita ng kanyang ina ang

salubong na kilay ng batang
inakalang bunso,
“Hamo, anak makikita mo,
paglabas nito’y may bago
kang malalaro.”

Tuwang-tuwa si Joma,
may malalaro na siyang bola.
At nangakong babantayan niya ito;

di na iwawala pa at
aalagaan nang husto.

Mula noon,
walang sawa ito sa paghintay.
Hinihintay ang araw
na maaari na niyang idibrol
ang bagong kapatid na basketbol!
Bata-batuta

Tumigil ang mundo
sa pag-inog.
Hindi mahila
ng batang lalaki
kabit-kabit na
eroplanong papel
pinabigan sa dulo
ng kotseng plastik.
Pagkuwa’y huminto.
Itiniklop, itinayo
mga eroplanong luno.
Lumakad pagkaraan.
Kinaladkad
lahat-lahat
na agad
nagsiyuko.
Musmos
napailing.
Mukha nagdilim.
Kasabay ng
AYOKO NAAA!!!!!!!!
Itinapon ng lahat-lahat
sa talahibang
malago.
Saka lumakad
patalon-talon,
pakumpay-kumpay pa
ang kamay
sa hanging panghapon.
Humagikgik ang mundo.
At sinimulang muling
pag-inog nito.
Just another Story

Someone was supposed to tell Everyone
What Anyone should have heard,
But it so happened that just No one heard
What Someone was saying to himself.

It turns out that Someone
Wanted to tell Everyone
How much he loved Anyone,
And Someone wanted Everyone
To find out if Anyone felt the same.

But because just No one knew
What Everyone should have known,
(And he was a secretive fellow indeed)
What Someone was saying
Never reached Anyone at all.